Collage Tumblr Themes
Next Page

Thoughts. Feelings. Life.



new set of colored ballpens from ate @mariangrace0315 👭😘✒️ thank you!!! 😊👍💋


our #Intfilm Finals! :D #EL8productions


nakakapagod na ang mahalin ka. parang ayaw ko na. parang gusto kong sumuko na. parang hindi ko na ata kaya. ang dami ng nangyari. ang dami ng kasinungalingan. ang dami ng nasirang pangako. ang dami ng hindi napanindigan. ang dami ng hindi naipaglaban. ang dami ng pinagdaanan. ang dami ng nasaktan at meron pang masasaktan. kailan ba matatapos ang lahat ng ito? may naghihintay pa bang magandang mangyayari sa ating kwento? may patutunguhan nga ba ang lahat ng ito? sa huli, tayo pa din nga ba? paano? —- Joaquin & Chichay feels. </3 :(




(credits to the owner of the pictures)

pinagsama ko talaga ung dalawang picture kasi natuwa ako na parang ang simple lang nila diyan tapos may nagpa-picture sa kanila. para ngang ilang years from now pero ang ikinatuwa ko talaga eh ung sa second picture kasi may nag-aayos ng pinamili o gamit ata sa gilid. parang asawang-asawa lang ang dating na nag-aayos ng gamit nilang dalawa. hahahahaha. ok. un lang naman. kabaliwan. sabi nga, a picture may speak a thousand words. :)

isa pa pala, pwede naman palang walang amnesia. pwedeng maghihiwalay lang sila kasi kailangan nila tapos pwede din na bago maghiwalay may samaan ng loob, pwede ding wala at in good terms naman. tapos magkikita na lang uli sila at doon magkakaalaman ano nga ba. hehehe. actually ang dami talagang pwedeng mangyari at ikutan ng story. you can never really can’t tell. ;)



kung ipupush talaga yang amnesia na yan, ayaw ko na kaya lang mamahalin o mararamdaman lang na meron o something pag sinabi. mas maganda pa din ung kahit hindi naaalala eh may nararamdaman na. i know nagegets niyo ko. di ko lang ma-explain ng ayos. hahahahaha. parang ung nung mga bata lang sila. di nila alam na sila un pero nagka-something nung malaki na sila. parang ang pangit kasi na ipagpipilitan mo lang na ibalik kasi alam mong dati meron. so ayun. :D

although hindi ko naman talaga alam paano ba ihahain ung amnesia o kung may ihahain nga bang amnesia. ;) hindi mo din kasi naman talaga masasabi. hehehe. :D nakakatuwa lang na nagiging unpredictable siya and intense na parang kailangan talaga manood ka, mag-abang at wag bumitiw. :)

keep on surprising us Got To Believe! ;)




"Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip… Ibigay ang hiling ng matang nakapikit."

nung may naririnig ako dati na book 3 ng Imortal tapos baka pwede ang KathNiel tapos napanood ko to… kinilabutan talaga ko nung napanood ko teaser na to for book 3. di ko na maalala exactly kung patapos ng 2012 or start ng 2013 un. of course hindi naman natin masasabi at wala namang kasiguraduhan to. inuulit ko kasi baka may ibang makakabasa at hindi naman iniitindi, hindi ito confirm. sadyang fan na natutuwa at kung ano-ano lang naiisip. hahahahaha. pwede kasi. bagay sa kanila sana.

(credits to ate Bernice from twitter for the picture)

Joaquin: Chichay, pag bukas kailangan na nating maghiwalay pwede bang may hilingin ako sa’yo?

Chichay: Ehhhhh.

Joaquin: Makinig ka muna kasi. Makinig ka muna. Basta tuwing gabi sa ganitong oras ay titingin ako sa moon at dapat tumingin ka rin at sabay nating iisipin ang isa’t-isa.

Chichay: Oh! Eh paano kung walang moon?

Joaquin: Chichay, hindi nawawala ang buwan. Hindi mo lang nakikita pag minsan parang ako, hindi porke’t hindi mo ko nakikita eh wala na ko dahil lagi kitang iniisip.

Chichay: Hindi ko naman kailangang tingnan ang buwan. Dapat dadalhin mo ko dun. Best date ever di’ba?

Joaquin: Best date ever.

this is a first! hahahahaha. although ang dami ko ng bet na scenes and lines sa Got To Believe and i always plan of posting about it pero hindi natutuloy, laging hanggang sa tweets lang. ito pa lang talaga.

sobrang dami ko lang feelings sa eksena na to. ung to the point na akala mo sa una wala lang pero di mo namamalayan tumutulo na ung luha mo, sobrang affected ka na, you want to enter the tv to hug both of them. i love the opposites presented sa simula pa lang, Chichay being positive just like what is expected on the portrayal of her character and Joaquin the opposite looking at life na parang reality. hindi mo naman talaga hawak ung mangyayari sa’yo, laging walang kasiguraduhan.

ung sobrang on that young age un na pinagdadaanan, ang lalim. sabi nga may hugot. ang ganda ng lines at ung pagbitaw. saka thank you din nga pala kasi hindi ako binigo ng akbay + hug sa dulo ng scene, waiting for that kasi sobrang perfect for the moment ang nangyari naman so lalalalove it more. mararamdaman mo ung attachment. gustong-gusto ko ung emotions sa scene, ramdam mo talaga kaya nakakadala din nga. saka kasi andun ung parang nafefeel mo na parang may mangyayari tapos ganun sila, paano na lang nga pag may nangyari na nga?! paano naman sila?! a scene with depth and kilig na parang you can really see or feel what love is.

i just want the best for Joaquin & Chichay, the best for their story. keep loving. keep believing Joaquin & Chichay on this journey of your story.

continue being unpredictable and keep on surprising me Got To Believe. ;)

ung abangan pala winner!!! :D love the intensity and how it was presented, ung para ngang hindi ka pwedeng bumitaw at patuloy lang na sumubaybay. :)

so for a first, that’s it! :)





Kathy. AB Communication Arts Student. Everything That I Want and I Need. If Not Now, When? If Not Here, Where? If Not Me, Who? Living Life to the Fullest. Making the Most Out of It.





Powered By: Tumblr Themes | Facebook Covers